Nag-usap ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Abril 2016, sa Beijing sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya.
Ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, na magsikap, kasama ng Rusya, para igarantiya ang pagtatamo ng malaking bunga ng pagdalaw ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa Tsina sa loob ng taong ito. Aniya pa, dapat ibayo pang ipagpatuloy ng Tsina at Rusya ang kanilang hene-henerasyong pagkakaibigan, at ibigay ang bagong sigla sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Lavrov ang pananabik sa matagumpay na pagdalaw ni Putin sa Tsina. Aniya, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, gusto ng Rusya na lagumin, kasama ng Tsina, ang nakaraan ng kanilang relasyon, at iplano ang kinabukasan.
Salin: Liu Kai