Idinaos ngayong araw, Miyerkules, ika-18 ng Mayo 2016, sa Hong Kong, Tsina, ang Belt and Road Summit. Kalahok dito ang mahigit 2000 personahe na kinabibilangan ng mga opisyal at mangangalakal mula sa Tsina, mga bansang ASEAN, at mga bansa sa kanlurang Asya.
Nagtalumpati sa summit si Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Sinabi niyang ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" initiative ay angkop sa tunguhin ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at hangarin ng iba't ibang bansa para sa pag-unlad.
Positibo siya sa pagdaraos ng summit na ito. Inaasahan niya ang pagharap ng mga kalahok na personahe ng mga mungkahi hinggil sa pagpapasulong sa "Belt and Road" initiative.
Salin: Liu Kai