Sa pakikipagtagpo sa Bishkek, Kyrgyzstan, nitong Linggo, Mayo 22, 2016 kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ipinaabot muna ni Pangulong Almazbek Atambyev ng naturang bansa ang pagbati kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Sinabi ni Pangulong Atambyev na bilang matalik na kaibigan ng Kyrgyzstan, tinutulungan ng Tsina ang kanyang bansa sa pagpapasulong ng progresong panlipunan at kaunlarang pangkabuhayan. Positibo aniya ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina. Dagdag pa niya, nakahanda ang Kyrgyzstan na makipagtulungan sa Tsina upang makisangkot sa pagtatatag ng land-based na Silk Road Economic Belt; bigyang-dagok ang terorismo, seperatismo, at ekstrimismo; at ibayong pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ni Wang ang pagbati ni Pangulong Xi Jinping kay Pangulong Almazbek Atambyev. Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kyrgyzstan para samantalahin ang pagkakataon ng "Belt and Road Initiative" para ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon at pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa produktibong lakas, imprastruktura, humanidad, at koordinasyon sa balangkas ng Shanghai Cooperation Organization.