Miyerkules, Mayo 25, 2016, Xi'an, Tsina—Binuksan dito ang Women-20 Meeting na itinaguyod ng All-China Women's Federation. Dumalo at nagtalumapti sa seremonya ng pagbubukas si Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina.
Ang Women-20 Meeting ay isa sa serye ng mga aktibidad ng G20 Summit. Ang tema ng pulong ay "pantay na pagsali, may-inobasyong pag-unlad." Dumalo dito ang halos 200 kinatawan mula sa mga kasapi ng G20, mga panauhin ng G20, at mga organisasyong pandaigdig.
Sinabi ni Li Yuanchao na ang paninindigang iniharap ni Pangulong Xi Jinping sa Global Women's Summit ay kumakatawan sa komong palagay ng buong mundo hinggil sa pantay na pagsali at komprehensibong pag-unlad ng kababaihan. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang iba't ibang bansa, para ipatupad ang mga mungkahi. Aniya, komprehensibong ipapatupad ng Tsina ang pundamental na patakaran sa pagkakapantay ng kasarian, at nakahandang ipatupad, kasama ng ibang bansa, ang target ng pag-unlad ng kababaihan ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, at pabilisin ang aksyon para sa pagpapasulong ng komprehensibong pag-unlad ng kababaihan.
Salin: Vera