Astana, Republika ng Kazakhstan—Binuksan dito Miyerkules, Mayo 25, 2016, ang Boao Forum for Asia (BFA) Energy, Resources and Sustainable Development Conference at Silk Road Countries' Forum. Mahigit 300 opisyal ng pamahalaan, mangangalakal, dalubhasa at iskolar mula sa mga bansa sa Silk Road Economic Belt ang dumalo sa porum. Tinalakay nila ang hinggil sa pag-uugnayan ng "Belt and Road" Initiative at Eurasian Economic Union, enerhiya at yaman, sustenableng pag-unlad, at iba pang paksa.
Iniharap sa pulong na dapat magkakasamang itatag ng iba't ibang bansang Asyano ang partnership ng enerhiya at yaman ng Asya, at sa pamamagitan ng pagtatatag ng matatag na relasyon ng suplay at pangangailangan, buuin ang matatag na ekspektasyon ng presyo at pamilihan, upang mapatatag ang pandaigdigang pamilihan ng enerhiya at yaman.
Salin: Vera