|
||||||||
|
||
Hangzhou, Tsina—Idaraos dito ang G20 Summit sa ika-4 at ika-5 ng Setyembre, 2016. Biyernes, Mayo 27, magsisimula ang 100-araw na countdown ng pagbubukas ng nasabing summit. Sa kasalukuyan, maayos na umuusad ang mga paghahanda.
West Lake, Hangzhou.
Night view sa tabi ng Qiantang River.
Ang West Lake ay pinakakilalang scenic spot sa Hangzhou. Upang salubungin ang G20 Summit, isinagawa ang proyekto ng pag-a-upgrade ng mga ilaw para mapaganda ang tanawin sa gabi. Sa pamamagitan ng proyektong ito, ipapakita ang three-dimensional na anyo ng 10 pangunahing scenic spot sa paligid ng West Lake.
Cheongsam show ng mga babae sa isang kalye ng Hangzhou.
Mga poster ng mukhang nakangiti ang nakapaskil sa pader. Sa pamamagitan ng ganitong kilos, inimungkahi ng mga residente sa isang kalye ng Hangzhou na pangiting sasalubungin ang mga panauhin mula sa iba't ibang sulok ng mundo.
Itinaguyod din ng mga residente sa lokalidad ang makukulay na aktibidad, para idispley ang hospitalidad at kasiglahan ng mga taga-Hangzhou.
Napag-alaman, hanggang sa kasalukuyan, natapos sa kabuuan ang karamihan ng mga proyekto ng paghahanda. Sa susunod na hakbang, puspusang pabubutihin ng naturang lunsod ang iba't ibang gawaing panserbisyo, para maigrantiya ang matagumpay na pagdaraos ng summit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |