Isiniwalat nitong Linggo, May 29, 2016 ni Cheng Huan, Direktor ng President's Office ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na itinatag na noong Abril ang senior management team ng AIIB, at binabalangkas na nila ang mga patakaran at estratehiyang gaya ng investment strategy.
Ipinahayag ni Chen na umaasa ang AIIB na isasagawa ang malawak na pakikipagtulungan sa lahat ng bansa sa buong daigdig. Aniya, nilagdaan na nila ang memorandum hinggil sa kooperasyon kasama ng World Bank, Asian Development Bank at European Bank for Reconstruction and Development. Batay sa nasabing mga memorandum, nakahanda isagawa ng nabanggit na mga bangko ang kooperasyon sa mga bansa sa Gitnang Asya at Timog Asya, dagdag pa niya. Aniya pa, ipinahayag din ng maraming pambansang development bank at organong pandaigdig ang kanilang pag-asa na lalagdaan ang mga katulad na memorandum, kasama ang AIIB para magkakasamang isagawa ang mga proyekto, lalong lalo na, ang mga proyekto hinggil sa OBAOR na kinabibilangan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road.
Nang mabanggit ang relasyon ng AIIB at OBAOR, sinabi ni Chen na ang pagtatatag ng AIIB ay hindi para sa OBAOR, pero ito'y para aniya sa magpahigpit ang AIIB ng pakikipagtulungan sa mga organo na may kinalaman sa OBAOR.
Salin: Andrea