Kaugnay ng mga puna kamakailan ni Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika na nakatuon sa Tsina, sinabi nitong Lunes, Mayo 30, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang magtutulungan ang Tsina at Amerika para magkasamang pasulungin ang katatagan, kasaganaan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Sinabi ni Hua na ang mga sinabi ni Carter ay nabibilang sa ideya noong panahon ng Cold War. Dagdag pa niya, hindi interesado ang Tsina sa anumang paraan ng Cold War.
Inulit ni Hua na matatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang pambansang katiwasayan at soberanya.
Bukod dito, sinabi ni Hua na may malawak na komong kapakanan ang dalawang bansa sa rehiyong ito, samantala, kinakaharap din nila ang mga komong hamon. Kaya aniya, ang pagtutulungan, at paggalang sa isa't isa ay nakakabuti sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.