|
||||||||
|
||
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Sa preskong idinaos kahapon, Miyerkules, Hunyo Uno 2016, sa Ottawa, Kanada, iniharap ni dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang tatlong target para sa komong kasaganaan at kaunlaran sa Asya-Pasipiko.
Inilahad ni Wang ang konkretong nilalaman ng naturang tatlong target.
Una, magkakasamang buuin ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko. Ani Wang, ang Regional Comprehensive Economic Partnership o ang Trans-Pacific Partnership Agreement ay parehong landas tungo sa naturang target. Ang dalawang ito aniya ay dapat maging inklusibo sa isa't isa, at dapat magkasabay na pasulungin ang dalawang ito.
Ikalawa, magkakasamang itatayo ang konektibidad na sumasaklaw sa magkabilang pampang ng Pasipiko. Ani Wang, ito ay makakatulong sa madali at maginhawang pag-uugnayan, na magiging susi sa integrasyong pangkabuhayan ng Asya-Pasipiko.
Ikatlo, magkakasamang itatatag ang partnership sa Asya-Pasipiko. Sinabi ni Wang, na dapat maging magkakaibigan ang iba't ibang bansa sa Asya-Pasipiko, para pasulungin ang kooperasyon at win-win situation sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |