Miyerkules, ika-8 ng Hunyo, 2016, idinaos dito sa Beijing ang promosyon ng pagkakataong komersyal ng ASEAN. Ipinahayag ni Xu Ningning, Executive Secretary General ng China-ASEAN Business Council, na sa proseso ng konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road, dapat maunawaan ng iba't ibang rehiyon ng Tsina ang pangangailangan at pagkabahala ng 10 bansang ASEAN, habang pinapaunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa ASEAN.
Si Xu Ningning, Executive Secretary General ng China-ASEAN Business Council
Iminungkahi ni Xu na sa proseso ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng iba't ibang lugar ng Tsina at ASEAN, dapat malaman ang mga bagong patakaran ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), at dapat ding maunawaan ang mga kinauukulang tadhana at kalagayan ng ASEAN Economic Community. Dapat ding hanapin ang pagkokomplementong industriyal ng rehiyon at mga bansang ASEAN, para itakda ang katugong plano sa kooperasyong industriyal.
Isinalaysay naman ni Consul Rhenita B. Rodriguez ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, ang pagkakataong komersyal sa mga kinauukulang larangang pangkabuhayan na binibigyan ng priyoridad ng pagpapaunlad, lalong lalo na, sa industriya ng pagyari, agrikultura, turismo, at konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Vera