Ipinahayag nitong Martes, Abril 12, 2016 ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na nakatakdang marating ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Malaysia at Singapore hinggil sa magkasamang pagtatayo ng high speed railway, sa kagitnaan ng taong ito.
Sinabi ni Najib na sa kabila ng pagpapaliit ng pamahalaan ng administratibong gastos, ipagpapatuloy pa rin nito ang mga proyekto ng serbisyong pampubliko, na kinabibilangan ng nasabing daambakal at Bandar Commercial Complex ng Kuala Lumpur.
Noong Pebrero, 2013, ipinatalastas ng Malaysia at Singapore ang pagtatatag ng nasabing daambakal. Tinatayang aabot sa 12 bilyong dolyares ang kabuuang pondo sa proyektong ito.