|
||||||||
|
||
Tashkent, Uzbekistan—Huwebes, ika-23 ng Hunyo, 2016, nangulo dito si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-3 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina, Rusya at Mongolia. Dumalo sa pagtatagpo sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Tsakhiagiin Elbegdorj ng Monglia.
Tinukoy ni Xi na isinagawa ng tatlong panig ang mahigpit na kooperasyon, aktibong ipinatupad ang mid-term roadmap hinggil sa pagpapaunlad ng kanilang kooperasyon, at natamo ang positibong progreso at bunga sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, cultural and people-to-people exchanges, transit transport, turismo, palakasan at iba pa.
Binigyang-diin ni Xi na dapat ipatupad ng tatlong panig ang plano sa pagtatatag ng economic corridor, at palakasin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng transportation infrastructure connectivity, konstruksyon ng puwerto, industrial capacity, pamumuhunan, kabuhayan at kalakalan, cultural and people-to-people exchanges, at pangangalaga sa kapaligiran.
Ipinahayag naman ni Putin na nagpupunyagi ang panig Ruso na ipatupad, kasama ng Tsina at Mongolia, ang konstruksyon ng transportasyon at imprastruktura, pabilisin ang pagpapadali ng mga prosedyur sa hanggahan at puwerto, at pasulungin ang proseso ng regional economic integration.
Nagpahayag naman si Elbegdorj ng kahandaan na pasulungin, kasama ng panig Tsino't Ruso, ang konstruksyon ng transportasyon at imprastruktura, at palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan sa purok-hanggahan.
Pagkatapos ng pagtatatagpo, sumaksi ang tatlong pangulo sa paglagda ng mga dokumentong pangkooperasyon na gaya ng plano sa pagtatatag ng economic corridor ng Tsina, Rusya, at Mongolia, at trilateral agreement on the mutual recognition of the customs supervision results on certain commodities.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |