Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Hulyo 2016, ng media ng Malaysia, lalagdaan sa susunod na Martes ng bansang ito at Singapore ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa konstruksyon ng Singapore-Kuala Lumpur High Speed Railway.
Dadalo sina Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore sa seremonya ng paglalagda sa naturang MoU, na idaraos sa Kuala Lumpur.
Ayon pa rin sa ulat, ang paglalagda sa MoU ay unang hakbang ng proyekto ng Singapore-Kuala Lumpur High Speed Railway. Inaasahang lalagdaan pa ng dalawang bansa ang isang detalyadong kasunduan sa katapusan ng taong ito.
Salin: Liu Kai