|
||||||||
|
||
Huwebes, ika-23 ng Hunyo, 2016, upang mapalakas ang kamalayan ng mga residente sa paglaban sa terorismo, sinimulan ang "Linggo ng Pagpapalaganap ng Kaalaman sa Paglaban sa Terorismo ng Beijing," na itinaguyod ng Tanggapan ng Paglaban sa Terorismo ng lunsod.
Seremonya ng pagsisimula ng "Linggo ng Pagpapalaganap ng Kaalaman sa Paglaban sa Terorismo ng Beijing."
Mga opisyal ng mga kinauukulang departamento ng Beijing habang nagbibigay ng buklet sa mga residente.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Chen Siyuan, Pangalawang Direktor ng Kawanihan ng Seguridad na Pampubliko ng Beijing, na sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang pangkalahatang kalagayan sa loob ng Tsina, pero dahil sa epekto ng mga elemento sa loob at labas ng bansa, naganap ang ilang marahas at teroristikong kaso. Aniya, ang pagtataguyod ng nasabing aktibidad ay naglalayong ibayo pang maunawaan ng mga mamamayan ang terorismo at teroristikong aktibidad, makabisa ang mga patakaran at tadhana hinggil sa paglaban sa terorismo, magkaroon ng mga kaalaman hinggil sa pagharap sa mga biglaang pangyayari, at pataasin ang kamalayan ng buong lipunan sa paglaban at pagpigil sa terorismo, upang mapangalagaan ang harmonya at katatagan ng Beijing.
Mga pasilidad laban sa terorismo.
Mga sundalo, pulis at special forces na kalahok sa seremonya ng pagsisimula.
Pagsasanay sa pagharap sa mga biglaang pangyayari.
Mga first aid expert habang nagtuturo ng mga kinauukulang kaalaman.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |