Sa pakikipag-usap noong Hulyo 18, 2016 sa Beijing, sa kanyang counterpart ng hukbong pandagat ng Amerika na si John Richardson, ipinahayag ni Admiral Wu Shengli ng hukbong pandagat ng Tsina na nagiging masalimuot ang kalagayang panseguridad sa mga karagatang malapit sa Tsina, lalo na sa South China Sea. Aniya, ang kasalukuyang biyahe ng panig militar ng Amerika sa Tsina ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagpapalitan at pagtitiwalaan ng dalawang panig, at sa pag-iwas sa maling estratehikong pagtasa.
Tinukoy ni Wu na gumaganap ng masusing papel ang hukbong pandagat ng Tsina at Amerika sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Umaasa aniya siyang tatalima ang dalawang panig sa mga katugong regulasyong kinabibilangan ng "The Code for Unplanned Encounters at Sea" para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Ipinahayag naman ni Admiral John Richardson ang pag-asang ibayong lalakas ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng Tsina at Amerika para pasulungin ang pagtutulungang panghukbo at pang-estado ng dalawang bansa.