Sa Guangzhou, kabisera ng lalawigang Guangdong, Tsina-Sa kanyang pakikipagtagpo dito kamakailan kay Rachel Duan, dumadalaw na Pangalawang Managing Director ng General Electric Company ng Amerika (GE), ipinahayag ni Hu Chunhua, Kalihim ng Probinsyal na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng lalawigang Guangdong, na nananatiling masigla at may mataas na internasyonalisasyon ang market economy sa Guangdong. Aniya, kasalukuyang sumusulong ang estratehiyang pangkaunlaran ng Guangdong sa pamamagitan ng inobasyon, para isakatuparan ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan at transpormasyon ng industriya. Umaasa aniya siyang mapapalaki ng GE ang pamumuhunan sa Guangdong, para maisakatuparan ang win-win situation.
Ipinahayag naman ni Rachel Duan na pinapasulong ng GE ang transpormasyon nito tungo sa pagiging digital enterprise. Aniya, optimistiko ang GE sa kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina at Guangdong sa hinaharap, at nakahanda itong pahigpitin pa ang pakikipagtulungan sa Guangdong sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng biological medicine, para sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabnagan ng dalawang panig.