|
||||||||
|
||
Zhengzhou, Henan Province, Tsina--Ang mga bangkay ng dalawang nasawing United Nations peacekeeper na Tsino ang pinauwi ng pamahalaang Tsino nitong Miyerkules, Hulyo 21, 2016.
Ang dalawang peacekeeper na sina Corporal Li Lei, 22 at Master Sergeant Yang Shupeng, 33 ang namatay nang tamaan ng mortar shell ang kanilang sasakyan habang namamatrolya sa paligid ng UN Mission Compound sa Juba, kabisera ng South Sudan. Bunsod ng sagupaan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at tropang kontra-goberno ng South Sundan, naganap ang nasabing atake sa mga UN peacekeepers. Walong UN peacekeepers na kinabibilangan ng 4 na Tsino ang nasugatan din.
Anak ng nasawing Chinese UN peacekeeper na si Master Sergeant Yang Shupeng habang hawak ang larawan ng kanyang tatay sa Xinzheng International Airport, Zhengzhou, kabisera ng Henan Province sa gitnang Tsina, July 20, 2016. (Xinhua/Yin Gang)
Pinsan ng nasawing Chinese UN peacekeeper Corporal Li Lei habang hawak ang litrato ng kanyang pinsan sa seremonya sa sa Xinzheng International Airport, Zhengzhou, kabisera ng Henan Province sa gitnang Tsina, July 20, 2016. (Xinhua/Yin Gang)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |