Dumating ngayong araw, Linggo, ika-24 ng Hulyo 2016, sa Beijing, si Susan Rice, National Security Advisor ng Amerika, para pasimulan ang kanyang 3-araw na pagdalaw sa Tsina.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, sa pagdalaw na ito, magpapalitan ng palagay ang panig Tsino at panig Amerikano hinggil sa relasyon ng dalawang bansa, gagawing G20 Summit sa Hangzhou, Tsina, at iba pang mahalagang isyung kapwa pinahahalagahan ng dalawang panig.
Ipinalalagay naman ni Jin Canrong, dalubhasang Tsino sa relasyong pandaigdig, na marami ang mga paksa sa kasalukuyang pagdalaw ni Rice, at unang-una sa mga ito ay bagong kalagayang lumitaw pagkaraang ilabas ang desisyon ng South China Sea arbitration.
Salin: Liu Kai