Sa Vientiane, Laos — Pagkaraang mag-usap Lunes, Hulyo 25, 2016, ang mga Ministrong Panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, ipinalabas nila ang magkakasanib na pahayag tungkol sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea."
Ayon sa nasabing pahayag, batid ng mga kalahok, na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay angkop sa pundamental na kapakanan, hindi lamang sa Tsina at mga bansang ASEAN, kundi maging sa komunidad ng daigdig. Ipinagpakita ng naturang deklarasyon ang komong pangako ng iba't-ibang panig sa magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, pagpapalakas ng pagtitiwalaan at kompiyansa, alinsunod sa mga kinikilalang pandaigdigang batas na gaya ng "UN Charter" at "United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)." Inulit din ng pahayag ang ibinibigay na mahalagang papel ng deklarasyon sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon. Ipinangako nitong komprehensibo at mabisang isasakatuparan, at pasusulungin ang pagkakaroon ng "Code of Conduct in the South China Sea" sa lalong madaling panahon sa pundasyon ng pagkakasundo.
Salin: Li Feng