Sa sidelines ng 2016 Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya na idinaos sa Vientiane, Laos, nakipag-usap noong Hulyo 25, 2016 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Japanese counterpart na si Fumio Kishida.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, hindi maayos ang relasyong Sino-Hapones. Umaasa aniya siyang isasagawa ng Hapon ang mabibisang hakbang para pangalagaan ang pundasyong pampulitika sa pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones, tupdin ang mga katugong may-prinsipyong kasunduan, at magbigay-suporta sa G20 Summit na nakatakdang idaos sa Tsina. Ito aniya'y lilikha ng mainam na kondisyon para sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Wang na bilang walang-kinalamang panig sa isyu ng South China Sea, umaasa siyang hindi makikisangkot ang Hapon sa naturang isyu.
Ipinahayag naman ni Kishida na nakahanda ang Hapon na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, palawakin ang pagtutulungan sa larangan ng kabuhayan at paglaban sa terorismo, maayos na lutasin ang pagkakaiba ng palagay, at ilapit ang damdamin ng mga mamamayang Hapones at Tsino. Ito aniya'y para maitatag ang bagong relasyong Sino-Hapones.