Sa sidelines ng Foreign Ministers' Meeting ng Silangang Asya na idinaos sa Vientiane, Laos, nitong Martes, Hulyo 26, 2016, nakipag-usap si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa kanyang Indonesian counterpart na si Retno Marsudi.
Ipinahayag ni Wang na ang magkasanib na pahayag na isinapubliko sa pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea"(DOC) ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagpapanumbalik ng talastasan ng mga may-kinalamang panig para sa paglutas sa pagkakaiba ng palagay. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para pangalagaan ang katatagan, at pasulungin ang kaunlaran ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Retno na may mahalagang katuturan ang pagkakaroon ng ASEAN ng suporta mula sa Tsina. Aniya, mabunga ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, at ito ay makakatulong sa walang tigil na pag-unlad ng pagtutulungan ng dalawang panig. Nakahanda aniya ang Indonesya na magsikap, kasama ng Tsina para pangalagaan ang kaayusan, kapayapaan at katatagan ng rehiyon.