Nakipag-usap sa Beijing noong Agosto 3, 2016 si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa kanyang Laotian counterpart na si Saleumxay Kommasith.
Ipinahayag ni Wang na nitong 55 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, nananatiling mainam ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at nagkakaisa ang pambansang direksyong pangkaunlaran nito. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, at isakatuparan ang pag-uugnay sa pambansang estratehiyang pangkaunlaran, para pasulungin ang relasyong Sino-Laotian sa mas mataas na antas. Dagdag pa ni Wang, hinihintay niya ang pagdalo ni Pangulong Boungnang Vorachith ng Laos sa G20 Summit na nakatakdang idaos sa Hangzhou, Tsina.