Sa Beijing, noong Agosto 3, 2016, pagkaraan ng pag-uusap sa pagitan nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Saleumxay Kommasith ng Laos, dumalo ang dalawang ministro sa isang magkasanib na preskon.
Umaasa ang dalawang ministro na magsisikap ang Tsina at mga bansang ASEAN para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig.
Sinabi ni Wang Yi na bilang priyoridad sa relasyong diplomatiko ng Tsina, positibo ang Tsina sa pagtatatag ng komunidad ng ASEAN, at sa pagiging sentro ng ASEAN sa pagtutulungang panrehiyon. Umaasa aniya siyang mapapatingkad ng ASEAN ang mas malaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.