|
||||||||
|
||
UMABOT sa 1.9% ang inflation rate noong nakalipas na Hulyo ay inaasahang mananatiling matatag hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, ang steady inflation noong Hulyo ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain na nakabalanse sa mas mataas na presyo ng kuryente.
Ang core inflation na hindi kinabibilangan ng food and energy prices ay nanatiling matatag sa 1.9% noong Hulyo.
Ang bilang na ito ay saklaw ng forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 1.5 hanggang 2.4% para sa buwan ng Hulyo 2016 at sa median market expectation na 1.9 %.
Sinabi pa ni Secretary Pernia na inaasahang magpapatuloy ang inflation trend na napuna sa nakalipas na unang pitong buwan ng 2016 sapagkat ang productive capacity ng domestic economy at ang mababang presyo ng petrolyo ay patuloy na private household consuption at investment, masisiglang kalakal at matatag na consumer sentiment at sapat na credit at domestic liquidity.
Ang headline inflation para sa Enero hanggang Hulyo ng 2016 ay umabot sa average na 1.4% at mas mababa sa inaakalang inflation target na 2.0 haggang 4.0 percent.
Ayon kay Secretary Pernia, umaasa siyang aabot lamang sa 1.98% ang inflation sa buong taon ng 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |