Sa Liuzhou, Guangxi Autonomous Region, Tsina-Binuksan dito noong Agosto 14, 2016 ang pangalawang Rail Transportation Vocational Education Training ng Tsina at Thailand. Labing-limang guro mula sa apat na unibersidad ng Thailand ang kalahok sa 33 araw na pagsasanay.
Ayon sa ulat, kasama sa nilalaman ng pagsasanay ang railway electrization technology, locomotive engine, pagpapatakbo at pamamahala ng daambakal, at iba pa.
Umaasa naman ang panig Thai na hihigpit pa ang pakikipagtulungan nito sa Tsina sa nasabing usapin, para magkasamang sanayin ang mas maraming propesyonal na manggagawa sa larangan ng teknolohiya ng daambakal.