Inaprobahan kamakailan ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina ang pagtatalaga ng isang state inspection pilot area sa Pingxiang, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanluran ng bansa. Ito ay tanging nakatuon sa kalakalan ng Tsina at ASEAN.
Ayon sa Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ng Guangxi, kasalukuyang itinatayo ang mga inspection center at laboratoryo ng naturang pilot area. May pag-asang maisasaoperasyon ito sa loob ng kasalukuyang buwan.
Ang Guangxi ay isang pangunahing lugar para sa kalakalan sa pagitan ng Tsina at ilang bansang ASEAN. Ang pagtatalaga ng state inspection pilot area dito ay makakatulong sa mabilis na pagpasok-labas ng mga paninda.
Salin: Liu Kai