Ayon sa ulat kamakailan ng State Administration for Industry and Commerce ng Tsina, sa panahon ng Ika-13 China-ASEAN Expo na gaganapin sa Nanning sa susunod na buwan, idaraos ang mataas na porum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pangangalaga at pagpapaunlad ng mga trade mark at brand name.
Lalahok sa porum na ito ang mga mataas na opisyal, dalubhasa, at kinatawan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN. Tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa aspekto ng trade mark intellectual property rights at pangangalaga sa mga trade mark at brand name ng isa't isa.
Salin: Liu Kai