Ayon sa salaysay ng namamahalang tauhan ng Paliparan ng Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, Martes, ika-16 ng Agosto, 2016, pinadalas ng paliparang ito ang mga flight sa pagitan ng Nanning at Siem Reap, Kambodya. Ang Cambodia Angkor Air na namamahala sa nasabing linya ay ika-7 kompanya ng abiyasyon ng mga bansang ASEAN na pinapasok ng naturang paliparan sa kasalukuyang taon.
Noong ika-11 ng Agosto, isinaoperasyon ng Royal Brunei Airlines ang linya sa pagitan ng Nanning at Bandar Seri Begawan, sa gayo'y nagbukas ang Nanning ng mga linya sa lahat ng 10 bansa ng ASEAN. Hanggang sa kasalukuyan, nagpasok ang Paliparan ng Nanning ng 13 kompanya ng abiyasyon ng ASEAN.
Salin: Vera