|
||||||||
|
||
LIFESTYLE CHECK KAILANGAN. Nanawagan naman si G. Martin Dino ng VACC na magsagawa ng malawakang lifestyle check sa mga opisyal ng barangay at pamahalaang lokal at mga pulis upang mabatid kung mayroong nakinabang sa industriya ng illegal drugs. Kabilang si G. Dino sa mga nag-organisa ng isang araw na pulong sa Century Park Sheraton kanina. (Melo M. Acuna)
KAHIT lilimampung araw pa lamang sa poder si Pangulong Duterte ay nadarama na ang pagbabago ng mga mamamayan. Nakikita na umano sa pagsugpo ng kriminalidad at drug addiction.
Tapat umano sa kanyang pangako si G. Duterte ani G. Martin Dino, isa sa mga nangangasiwa sa Volunteers Against Crime and Corruption. Kahit umano maraming hadlang sa ginagawa ng pamahalaan, sawang-sawa na ang mga mamamayan kaya't suportado ang ginagawa ni G. Duterte.
Mahalaga rin ang magiging papel ng mga opisyal ng barangay sa pagsugpo ng kriminalidad at drug addiction. Kailangang makita ng madla ang mga nasususpindeng opisyal ng pamahalaang lokal at maging mga tauhan ng pulisya.
Magaganap lamang ito kung magkakaroon ng malawakang lifestyle check sa mga tauhan ng pamahalaan, mula sa mga opisyal ng barangay hanggang sa mga tauhan ng pambansang pulisya na malaki ang posibilidad na nakasabwat ng mga sindikato sa droga.
Hindi kailangang malimita sa mga opisyal sapagkat nabunyag na kamakailan ng isang pulis na mababa ang ranggo na nagkamal ng maraming salapi at mga sandata. Nakapagtayo na rin umano ng magandang tahanan na mahirap makamtan sa sahod ng isang rank-and-file na tauhan ng Philippine National Police.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |