Sa pag-uusap sa telepono, nitong Linggo, Mayo 29, 2016 nina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, tinalakay nila, pangunahin na ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Syria, at mosyong iniharap ng Rusya sa pagsasagawa ng katugong hakbang at aktibidad laban sa teroristikong organisasyon at mga armadong grupo sa lokalidad, na di-tumupad sa kasunduan sa tigil-putukan. Samantala, nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng Ukraine at bilateral na relasyong Ruso-Amerikano.