|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanilang paglahok sa G20 Summit, nagtagpo kahapon, Sabado, ika-3 ng Setyembre 2016, sa Hangzhou, Tsina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Sinabi ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa mga bilateral na aspekto at suliraning pandaigdig. Ito aniya ay nagpapakita ng kahalagahang estratehiko at pandaigdig na impluwensiya ng relasyong Sino-Amerikano. Binigyang-diin niyang para patuloy na pasulungin ang malusog at matatag na relasyong ito, dapat igiit ng Tsina at Amerika ang prinsiyon ng hindi pagsasagupaan, hindi pagkokomprontasyon, paggalang sa isa't isa, at pagtutulungang may win-win result. Dapat din aniyang dagdagan ng dalawang bansa ang pagtitiwalaan, palalimin ang kooperasyon, at kontrolin ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng konstruktibong paraan.
Hinahangaan din ni Xi ang pakikipagkoordina at pagkatig ng Amerika sa Tsina sa pagtataguyod ng G20 Hangzhou Summit. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Amerika at mga iba pang panig, na pasulungin ang pagtatamo ng bunga ng summit na ito, para magbigay ng sigla at kompiyansa sa kabuhayang pandaigdig.
Positibo naman si Obama sa muling pagtatagpo nila ni Pangulong Xi, para ibayo pang pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siya, kasama ni Pangulong Xi, na ilatag ang mabuting pundasyon para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Nagpalitan din ng palagay ang dalawang pangulo hinggil sa mga isyu kung saan may pagkakaiba ang dalawang bansa. Sinang-ayunan nilang mabuting hawakan at kontrolin ang mga isyung ito, para iwasan ang epekto sa relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |