Sa preskon ng G20 Summit na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Setyembre 2016, sa Hangzhou, Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba't ibang panig, natamo ng summit na ito ang maraming bunga, at natupad ang mga nakatakdang target.
Ayon kay Xi, ginawa ng iba't ibang panig ang mga kapasiyahan hinggil sa pagtatakda ng plano ng pagpapaunlad ng kabuhayang pandaigdig, pagsasagawa ng inobasyon sa kabuhayan, pagpapabuti ng pandaigdig na pangangasiwa sa kabuhayan at pinansyo, pagpapasigla ng pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan, at pagtatayugod sa inklusibo at interkonektadong pag-unlad.
Sinabi ni Xi, na ang isyu ng pag-unlad ay isang pangunahing paksa sa Hangzhou Summit. Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng G20, binigyan ng priyoridad ng summit ang isyu ng pag-unlad, ginawa ang plano ng pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at iniharap ang komong pagkatig sa industriyalisasyon ng mga bansang Aprikano at pinaka-di-maunlad na bansa.
Kaugnay naman ng pag-unlad ng G20, ipinahayag ni Xi, na dapat mas mabuting patingkarin ng organisasyong ito ang papel bilang pangunahing porum na nagtatampok sa pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan.
Salin: Liu Kai