Ipininid ngayong hapon, Lunes, ika-5 ng Setymbre 2016, sa Hangzhou, Tsina, ang Ika-11 G20 Summit.
Narating ng iba't ibang panig ang 29 na dokumento hinggil sa mga bunga, na gaya ng blueprint hinggil sa inobatibong paglaki, prinsipyong tagapatnubay sa paglaki ng pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan, mungkahi ng pagkatig sa industriyalisasyon ng mga bansang Aprikano at di-pinaka-maunlad, mungkahi hinggil sa pandaigdig na infrastructure connectivity, at iba pa.
Sa preskon pagkatapos ng summit, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagsisikap ng iba't ibang panig, natamo ng summit na ito ang maraming bunga, at natupad ang mga nakatakdang target.
Salin: Liu Kai