Ipinalabas kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Setyembre 2016, sa official website ng People's Bank of China, bangko sentral ng Tsina, ang ilang dokumento hinggil sa mga mahalagang bunga sa aspektong pinansyal ng katatapos na G20 Hangzhou Summit.
Kabilang dito ang Hangzhou Action Plan, kung saan ipinangako ng mga kasaping bansa ng G20 na isasagawa ang mas maraming hakbangin ng pagpapalakas ng pandaigdig na balangkas na pinansyal. Ito ay masusing elemento, para isakatuparan ang malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayan, at katatagang pinansyal ng daigdig.
Sa isa pang dokumento, nanawagan ang G20 sa iba't ibang bansa na palakasin ang pagsusuperbisa at pagmomonitor sa mga bagong litaw na transnasyonal na krisis, sa ilalim ng Global Financial Safety Net ng International Monetary Fund.
Salin: Liu Kai