Sa Kuala Lumpur — Idinaos kahapon ng Ministring Panlabas ng Malaysia ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN). Dumalo rito ang ilang daang personahe na kinabibilangan ng kinatawan ng UN sa Malaysia, mga opisyal ng Pamahalaang Malay, mga embahador ng mga bansa sa Malaysia, at iba pa.
Ayon kay Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia, patuloy na patitingkarin ng kanyang bansa ang mas mahalagang papel sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa katatagang pangkabuhayan, pagharap sa pagbabago ng klima, at pakikilahok sa international security assistance.
Sa nasabing selebrasyon, isinalaysay ng ministrong panlabas ng Malaysia ang aklat na may pamagat na "Malaysia at UN" para gunitain ang naturang okasyon.
Salin: Li Feng