Nilagdaan kamakailan ng Tsina at United Nations Development Programme (UNDP) ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa magkasamang pagpapasulong ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative.
Ayon sa Pambansang Komisyon ng Pagpapaunlad at Reporma ng Tsina, ang naturang MOU ay kauna-unahang dokumentong nilagdaan ng pamahalaang Tsino at organisasyong pandaigdig hinggil sa pagtutulungan sa "Belt and Road" Initiative. Ito anito ay bagong paraan ng paglahok ng organisasyong pandaigdig sa usaping ito.
Salin: Liu Kai