Idinaos Setyembre 26, 2016, sa Vienna, Austria ang Ika-60 Pulong ng International Atomic Energy Agency(IAEA).
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Wang Yiren, Puno ng Delegasyong Tsino at Pangalawang Puno ng State Atomic Energy Agency ng Tsina, na ang seguridad ang batayang pangkaunlaran ng enerhiyang nuklear. Aniya, naitatag ng Tsina ang mahigpit na sistema ng pagsuperbisa at pamamahala para igarantiya ang seguridad ng enerhiyang nuklear ng bansa.
Sinabi ni Wang na noong 1957 sapul ng pagkakatatag ng IAEA, gumaganap ng mahalagang papel ang organong ito, kasama ng mga kasapi nitong bansa sa larangan ng mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear, pagpigil sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at pagsasakatuparan ng kapayapaan, kasaganaan at sustenableng pag-unlad ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag naman ni Yukiya Amano, Direktor Heneral ng IAEA na ang mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear ay hindi lamang makakatulong sa pagbabawas sa pagbuga ng greenhouse gas, kundi makakatugon din sa pangangailangan ng mundo sa enerhiya.