Idinaos kahapon sa Vienna ang pulong ng Konseho ng International Atomic Energy Agency (IAEA).
Ipinahayag ang pagpahalaga ni Yukiya Amano, Direktor Heneral ng IAEA, sa work report na isinumite sa pulong, na nagsaad sa narating na kasunduan hinggil sa komprehensibong paglutas sa isyung nuklear ng Iran.
Samantala, hinimok ni Yukiya Amano ang Hilagang Korea na makipagtulungan sa IAEA para lutasin ang mga di-pa nalutas na isyu. Ipinahayag din niyang handa na ang IAEA na isagawa ang pagsisiyasat sa mga kagamitang nuklear ng H.Korea sa anumang sandali, kung sasang-ayunan ito ng huli.