|
||||||||
|
||
Pulong ng Kooperasyon at Pagpapalitan ng Edukasyong Sino-ASEAN
Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina — Ipinahayag Miyerkules, Setyembre 21, 2016, ni Huang Duanming, Pangalawang Presidente ng Philippine Chinese Education Research Center, na malala ang problema ng kakulangan ng mga guro sa mga Chinese language schools, at ang kasalukuyang isinusulong na proyekto ng Tsina na pagpapadala ng mga Chinese teachers sa ibang bansa, ay nakakalutas sa kanilang kahirapan.
Pinasinayaan nang araw ring iyon sa Nanning ang Pulong ng Kooperasyon at Pagpapalitan ng Edukasyong Sino-ASEAN. Dumalo rito si Huang Duanming, kasama ang halos 200 kinatawan mula sa 69 na Chinese language schools at Chinese education organizations ng siyam (9) na bansang gaya ng Thailand, Myanmar, Indonesia, Laos, at Cambodia, at mga kaukulang departamentong pang-edukasyon ng mga lalawigan at lunsod ng Tsina.
Nitong ilang taong nakalipas, sapul nang ibayo pang pabilisin ng Tsina ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, lalo na pagkaraang iharap ang "Belt and Road" Initiative, maraming Tsinong bahay-kalakal at kompanya sa ibayong dagat, ay naghahanap ng talento na matatas sa wikang Tsino. Mas maraming dayuhan naman ang nag-aaral ng wikang Tsino para makuha ang mas mabuting pagkakataon sa pag-unlad.
Bilang tugon, upang mas mabisang mapasulong ang pag-unlad ng usapin ng edukasyon ng wikang Tsino sa ibang bansa, aktibong isinasagawa ng panig opisyal ng Tsina ang maraming katugong hakbangin. Hanggang noong isang taon, mahigit 190 libong mag-aaral ang ipinadala ng Tsina at ASEAN sa isa't-isa. Kabilang dito'y lampas sa 120 libo ang bilang ng mga mag-aaral na Tsino sa mga bansang ASEAN, at umabot naman sa 72 libo ang mga mag-aaral ng ASEAN sa Tsina.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |