Nag-usap sa telepono nitong Sabado, Hunyo 18, 2016, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at John Kerry, Kalihim ng Eatado ng Amerika, para magpalitan ng palagay hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at ibang mga isyung may kinalaman dito.
Kaugnay ng katatapos na U.S.-China Strategic and Economic Dialogue, at China-US High-Level Consultation on People-to-People Exchange, kapwa nila ipinahayag na malaki ang natamong bunga sa naturang dalawang aktibidad at dapat pasulungin ng dalawang panig ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Kaugnay ng isyu ng Tibet, inulit ni Wang ang paninindigang Tsino sa isyung ito. Hiniling ni Wang sa panig Amerikano na itigil ang pakiki-alam sa suliraning panloob ng Tsina at pangalagaan ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.
Ipinahayag naman ni Kerry na walang pagbabago ang patakaran ng kanyang bansa sa isyung ito. Dagdag pa niya, iginigiit ng Amerika na ang Tibet ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina at hindi nito kinakatigan ang pagsasarili ng Tibet.