|
||||||||
|
||
Isinapubliko Huwebes, Setyembre 29, 2016, ang "National Human Rights Action Plan (NHRAP) para sa Taong 2016-2020" ng Tsina. Ang planong ito ay binalangaks sa pamumuno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado at Ministring Panlabas ng bansa, na naitakda ang hangarin at tungkulin ng paggalang, pangangalaga, at pagpapasulong ng karapatang pantao sa naturang panahon.
Ibinabahagi ang plano sa introduksyon, na kinabibilangan ng karapatan ng kabuhayan, lipunan, at kultura, karapatan ng sibilyan at karapatan ng pulitika, karapatan ng espesyal na mamamayang may pangangailangan, edukasyon at pag-aaral sa karapatang pantao, pagtutupad ng kasunduan ng karapatang pantao at pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at iba pa.
Tinukoy ng plano na sapul noong 2009, magkasunod na isinagawa ng bansa ang dalawang beses na plano ng aksyon ng karapatang pantao. Anito, bunga ng walang humpay na pagpapalakas ng pamahalaang Tsino ng puwersa ng paggarantiya sa iba't-ibang karapatang pantao, ibayo pang tumaas ang lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, komprehensibong pinalakas ang karapatan ng mga mamamayan sa kabuhayan, lipunan, at kultura, totohanang naigarantiya ang karapatan ng mga mamamayan at karapatang pampulitika, malinaw ding tumaas ang ideya ng paggalang at paggarantiya ng buong lipunan sa karapatang pantao. Bukod dito, walang humpay ding sumusulong ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa karapatang pantao, at pumasok na sa bagong yugto ang usapin ng karapatang pantao ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Dagdag pa ng plano, mula taong 2016 hanggang 2020, isasagawa ng estado ng mga hakbangin para maisakatuparan ang sustenable, matatag, at maayos na pag-unlad ng usaping ito. Kabilang sa mga hakbangin ay ang komprehensibong paggarantiya sa karapatan ng kabuhayan, lipunan, at kultura, paggarantiya sa karapatan ng mga mamamayan at karapatang pampulitika alinsunod sa batas, lubusang paggarantiya sa karapatan ng iba't-ibang uri ng espesyal na mamamayang may pangangailangan, malalimang pagsasagawa ng edukasyon tungkol sa karapatang pantao, at aktibong pakikilahok sa pandaigdigang gawain hinggil sa karapatang pantao.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |