Nang kapanayamin kamakailan, ipinahayag ng mga dalubhasang Tsino at dayuhan, na nitong 3 taong nakalipas, sapul nang iharap ng Tsina ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative, maganda ang pagpapasulong nito, at natamo ang bunga sa pagsasakatuparan ng kooperasyon at win-win situation.
Ayon kay Zhao Chenxin, tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, sa kasalukuyan, mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig ang kalahok sa pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative, at nilagdaan ng Tsina at mahigit 30 kalahok na bansa ang mga kasunduan hinggil sa pagtutulungan sa usaping ito. Kasabay nito aniya, naitatag din ang mga plataporma ng kooperasyong pinansyal ng "Belt and Road" Initiative, na gaya ng Asian Infrastructure Investment Bank at Silk Road Fund.
Ayon pa rin kay Zhao, hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 100 bilyong Dolyares ang inilaang pondo para sa mga bilateral at multilateral na kooperasyon sa production capacity sa ilalim ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, at naitayo sa mga kalahok na bansa ang 46 na sona ng kooperasyon ng mga bahay-kalakal.
Ipinalalagay naman ni Andre Laboul, dalubhasa ng Organization for Economic Cooperation and Development, na ang "Belt and Road" Initiative ay magpapalakas ng pag-uugnayan ng kabuhayan ng buong daigdig. Aniya, sa kasalukuyang kalagayan ng mahinang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai