Idaraos sa Goa, India ang Ika-8 Summit ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) mula ika-15 hanggang ika-16 ng Oktubre. Sa ngalan ng Tsina, lalahok dito si Pangulong Xi Jinping.
Sa news briefing, inilahad ni Li Baodong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na ngayong taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng mekanismo ng BRICS. Aniya pa, sa ilalim ng temang "Pagpapasulong ng Mabisa, Inklusibo at Komong Kalutasan," magtatalakayan ang mga lider ng BRICS hinggil sa kung paano mapapalalim ang kanilang pagtutulungan sa iba't ibang larangan at koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Bago ang kanyang biyahe sa India, dadalaw rin si Pangulong Xi sa Cambodia at Bangladesh mula ika-13 hanggang ika-14 ng Oktubre.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio