|
||||||||
|
||
Si Cai Yingting, Puno ng CAMS
Natapos nitong Martes, Oktubre 11, 2016, ang apat (4) na sesyong plenaryo ng Ika-7 Xiangshan Forum. Sa kanyang talumpati sa pagpipinid, nilagom ni Cai Yingting, Puno ng China Association for Military Science (CAMS), ang limang (5) komong palagay na narating ng mga kalahok.
Kabilang sa mga ito ang: una, ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko ay komong responsibilidad ng lahat ng mga bansa sa rehiyong ito; ikalawa, ang pangangalaga sa seguridad sa dagat ay nangangailangan ng puspusang kooperasyon ng iba't-ibang bansa; Ikatlo, ang terorismo ay komong kaaway ng buong sangkatauhan. Ani Cai, sa harap ng banta ng terorismo, dapat magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig para lubusan itong pawiin sa iba't-ibang porma; ikaapat, ang magkakasamang pagpapasulong ng reporma sa pandaigdigang sistema ng pangangasiwa ay kahilingan ng kasalukuyang siglo. Dapat aniyang magkakasamang pasulungin ng iba't-ibang bansa ang pangangasiwa sa seguridad ng buong mundo; ikalima, dapat magkakasamang pasulungin ng iba't-ibang bansa ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may kooperasyon at win-win situation.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |