Idinaos kahapon, Oktubre 11, 2016, ang Ika-4 na Pandaigdig na Porum ng "Belt and Road" Initiative sa Hong Kong, na nilahukan ng mga dalubhasa, hukom, at mangangalakal mula sa Mainland, Hong Kong ng Tsina at iba pang mga bansa at rehiyon. Tinalakay nila ang hinggil sa mekanismo ng paglutas ng mga hidwaan.
Ipinahayag ni He Rong, Pangalawang Presidente ng Supreme People's Court ng Tsina na kasunod ng paglawak ng saklaw ng kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, darami ang mga hidwaan, kaya, dapat itatag ang isang mekanismo hinggil sa paglutas ng mga conflict.
Nang araw ring iyon, ipinalabas din ang Blue Paper na pinamagatang: Mekanismo ng Paglutas ng mga Hidwaan ng "Belt and Road." Ito ang bunga ng pagsusuri ng Pandaigdig na Instituto ng Pananaliksik ng Hong Kong sa "Belt and Road" Initiative.
salin:le