Tinanggap kamakailan ng panig pulisya ng Thailand ang impormasyong posibleng magkaroon ng bombing attack sa Bangkok at rehiyong nakapaligid dito sa katapusan ng kasalukuyang buwan. Bilang tugon, pinalakas ng panig pulisya ang puwersang panseguridad sa naturang mga lugar para mapigilan ang pananalakay.
Pagkaraang ilabas ng kapulisan ang kaukulang impormasyon, nanawagan nitong Martes, Oktubre 11, 2016, si Punong Ministro Prayuth chan-o-cha ng Thailand sa mga mamamayan na huwag matakot. Aniya, kasalukuyang isinusulong ng panig pulisya ang may-kinalamang imbestigasyon.
Salin: Li Feng