Sa pagtataguyod ng lunsod ng Nanning at Association of South East Asian Nations (ASEAN), idinaos sa Nanning, Guangxi ng Tsina ang Simposyum hinggil sa Wikang Tsino, mula ika-28 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2016.
Ayon sa datos ng Departamento ng Edukasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, nitong 5 taong nakalipas, halos 40 libong estudyanteng mula sa mga bansang ASEAN ang nag-aaral sa Guangxi, at ang Guangxi ay naging isa sa mga pinaka-popular na purok para sa mga estudyante ng ASEAN. Halos 200 pamantasan ng iba't ibang bansang ASEAN ang nagsasagawa ng kooperasyon sa Guangxi, at itinatag din ng pamahalaan ng Guangxi ang scholarship para sa mga estudyante ng ASEAN.
salin:lele