Idinaos Nobyembre 13, 2016, sa Ankara, Turkey ang unang pagtitipon ng Regular Foreign Ministers' Meeting ng Tsina at Turkey.
Nang araw ring iyon, magkasamang dumalo ang dalawang FM sa isang magkasanib na preskon.
Nang mabanggit ang isyu hinggil sa pagsasagawa ng Tsina o hindi ng pakikipagkontakan sa grupo ni bagong halal na Pangulong Donald Trump ng Amerika, ipinahayag ni Wang Yi, na nananatiling mahigpit ang pagpapalitan ng Tsina at Amerika sa ibat-ibang antas. Aniya, ang walang tigil na pagpapalalim ng relasyong Sino-Amerikano ay komong mithiin sa pagitan ng Partido Republikano at Demokratiko.
Sinabi ni Wang na nakahanda ang pamahalaang Tsino na magsikap, kasama ng kasalukuyang pamahalaan ni Pangulong Barack Obama, para isakatuparan ang mapayapang transisyon ng relasyong Sino-Amerikano. Samantala, nakahanda rin aniya ang Tsina na pahigpitin ang pakikipagpalitan kay bagong halal na Pangulong Donald Trump, para palawakin ang pag-uunawaan at komong palagay ng dalawang panig.
Ani Wang, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mensaheng pambati kay Donald Trump, na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika para ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano sa mas mataas na antas, batay sa prinsipyo ng di-pagsasagawa ng sagupaan at komprontasyon, paggagalangan sa isat-isa, at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.