Sa kanyang talumpati hinggil sa isyu ng Syria, Setyembre 22, 2016 sa United Nations Security Council(UNSC), ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong 5 taong nakalipas, nananatiling magulo ang kalagayan sa rehiyon ng Kanlurang Asya at Hilagang Aprika, lalo na sa Syria. Aniya, apektado nito hindi lamang ang karapatan at interes ng mga mamamayan sa naturang rehiyon, kundi banta rin ito sa kapayapaan at seguridad ng daigdig. Umaasa aniya ang Tsina na totohanang matutupad ng komunidad ng daigdig ang mga may-kinalamang resolusyon ng UNSC hinggil sa isyu ng Syria, lalo na ang resolusyon bilang 2254. Samantala, inaasahan niyang pasusulungin ng komunidad ng daigdig ang usaping ito, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng tigil-putukan, talastasang pampulitika, pagbibigay ng makataong tulong, at magkakasamang pagbibigay-dagok sa terorismo.
Aniya pa, bilang pirmihang kinatawan ng UNSC, ipagpapatuloy ng Tsina ang sariling tungkulin at responsibilidad, para pasulungin ang pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.