Idinaos sa Beijing nitong Martes, Abril 19, 2016 ang isang symposium hinggil sa cyber at information security.
Dumalo sa pagtitipon ang mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang at Liu Yunshan. Nangulo sa symposium si Pangulong Xi Jinping.
Dininig ng mga lider ang palagay at mungkahi hinggil sa pag-unlad ng internet, na ibinibigay nina Ma Yun at Ren Zhengfei, Puno ng Alibaba Group at Hua Wei Group.
Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping na bilang tagapagpasulong ng kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Tsina, inaasahang mapapasulong ang cyber construction ng Tsina, batay sa ideya ng inobasyon, komprehensibong pag-unlad, berdeng pag-unlad, pagbubukas, at pagtatamasa sa lahat. Aniya, ito ay makakatulong hindi lamang sa pag-unlad ng estado, kundi pagbibigay-ginhawa rin sa mga mamamayan sa pamamagitan ng internet. Tinukoy ni Pangulong Xi na dapat pahigpitin ng Tsina ang reporma sa sistema ng human resources, para papasukin ang mas maraming talento, upang maisakatuparan ang target sa pagpapasulong ng internet.
Dumalo rin sa pagtitipong ito ang mga kilalang dalubhasa ng Internet, Publicity Ministers ng mga lalawigan at kalunsuran, puno ng mga cyber at informations office, namamahalang tauhan ng mga organong pang-impormasyon at website.